NEWS & events

TALENTO NG WESTIANS, KINILALA SA PANDIBISYONG

PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA 2026

NI JENNIFER ESPIRITU

Muling pinatunayan ng mga Westians ang kanilang angking husay, talento at pagkamalikhain matapos makamit ang dalawang parangal sa Pandibisyong Patimpalak sa Buwan ng Wika 2026.

Nagkamit ng ikalawang puwesto ang mga piling mag-aaral sa Baitang 7 sa Katutubong Sayaw ang mga piling mag-aaral mula sa Baitang 7 sa patimpalak na “Katutubong Sayaw”, samantalang Ikatlong pwesto naman ang nasungkit ng mga kalahok mula sa Baitang 9 sa patimpalak na “Infomercial”.

Inilabas ang opisyal na resulta ng patimpalak noong Oktubre 7, 2026 alinsunod sa DO blg. 1989 s. 2026.

Narito ang mga natamong parangal ng paaralan:

1. Patimpalak sa Katutubong Sayaw

Baitang: 7
Parangal: Ikalawang Pwesto
Tagapagsanay: Bb. Llia Flores

  • 2. Patimpalak sa Infomercial
  • Baitang: 9
  • Parangal: Ikatlong Pwesto
  • Tagapagsanay: G. Algani Beceril

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, Isinagawa ang mga nasabing patimpalak sa pamamagitan ng pagsusumite at pagpapalabas ng mga bidyong lahok sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng Curriculum Implementation Division-Pasay na tagapag-organisa ng program amula Agosto 26 hanggang sa ikatlong linggo ng Setyembre.

Kabilang sa mga pamantayan sa pagmamarka ang dami ng mga like na natanggap ng bawat lahok, kalakip ang iba pang itinakdang pamantayan ng kompetisyon.

Sa likod ng tagumpay na ito, kinilala ang mahalagang papel na ginampanan ng mga gurong tagapagsanay katuwang ang mga guro sa Kagawaran ng Filipino na pinamunuan nina Gng. Vivian Demavivas, Puno ng Kagawan at sina G. Agapito Teodoro Manaog, Punungguro, at Gng. Rosa Alferez, Kawaksing Punungguro na walang sawang sumuporta at nagbigay pamatnubay para sa ikatatagumpay ng mga patimpalak.

Ang pagkakamit ng mga parangal ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mga Westians sa mga gawaing nagtataguyod ng wikang Filipino, kultura at pagkakakilanlang Pilipino.