ni John Robert H. Blas
Nagkamit ng panalo ang mga piling mag-aaral mula sa Open High School Program (OHSP) ng Pasay City West High School sa kauna-unahang, “OHSP Contest” na ginanap noong nakaraang Pebrero 14-19, 2022 sa pamamagitan ng birtwal na paraan.
Kinilala ang mga nagwagi na sina James Chemari Deniega na nakamit ang unang puwesto para sa pagsulat ng sanaysay; Jonellyn Ducusin at Jullie Ann Buban na nakamit ang una at ikalawang puwesto para sa pagguhit ng poster at si Alvin Carlos Endiape Jr. na nakamit naman ang ikatlong puwesto para sa paglikha ng islogan sa wikang Filipino. Ang mga nagkamit ay sinanay nina G. John Robert Blas, G. Anjo Mari Luciano, G. Rex Jon Sol at Gng. Alma Ternora, mga guro sa OHSP-PCWHS. Ginabayan din sila nina G. Rodolfo del Rosario, Tagapag-ugnay ng OHSP, Gng. Rosy Buctuan, Guidance Counselor at G. Peter R. Cannon Jr., Punungguro.
Ayon kay James Chemari Deniega, isang mag-aaral na lumahok, hindi siya makapaniwala na masusungkit niya ang unang pwesto sapagkat maraming paaralan ang mahirap kalabanin at ito rin ang kauna-unahang pagsali niya sa patimpalak.
Inihayag ni G. Rodolfo del Rosario, tagapag-ugnay ng OHSP na, “Sa patimpalak na ito makikita nating ang OHSP ay daan patungo sa pinapangarap”.