Isinulat Ni: Gng. Piedad O. Diola
Inedit Ni: G. John Robert H. Blas
Isang makasaysayan at makabuluhang umaga ang naganap sa Pasay City West High School bilang pagdiriwang ng Araw ng Bandila at ika-124 taong anibersaryo ng kasarinlan ng bansa noong Hunyo,9, 2022. Dinaluhan ito ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni G. Peter R. Cannon Jr; Punungguro, Bb. Garde Cleofe at Gng. Ivy Tanglao; Mga Pangalawang Punungguro, PCWHS-GPTA at mga guro ng paaralan sa pangunguna ni Gng. Socorro C. Domingo, Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.
Ang nasabing pagdiriwang ay pinasimulan ng pagbuo ng isang HUMAN FLAG sa pangunguna ng mga guro ng paaralan kasabay ng isang presentasyong awdyo na ipinaliliwanag ang pagkakabuo ng bandila ng Pilipinas. Upang mas taimtim na madama ang selebrasyon, inawit ang Lupang Hinirang ni Gng. Jeannie Ebue na nakadagdag sa maalab na damdaming nasyonalismo ng lahat ng naroon.
Matapos ang ilang piling preliminaryo, ang pagdiriwang ay mas naging makulay sa pagdalo ni G. Andrew E. Tan , Panrehiyong Tagamasid para sa Araling Panlipunan sa kaniyang ginintuang mensahe. Kasunod nito ay isang makapukaw-inspirasyong pahayag ng inimbitahang Panauhing Tagapagsalita, Manunulat ng mga Talambuhay ng Mga Artista, May-akda ng ilang dokumentaryo at Alumni ng PCWHS na si G. Renz Spangler Nuĥez.
Nakadagdag sa makabuluhang pagdiriwang na ito ang mga natatanging bilang ng mga piling guro mula sa Kagawaran ng MAPEH na sina G. Canniel Ordoĥez at Gng. Narcisa Lim na nagpamalas ng kanilang talento sa makabayang pagsasayaw. Hindi rin naman pahuhuli si Gng, Chrismarilene Cabataĥa na idinuyan ang lahat ng manonood sa kanyang napakagandang tinig at pag-awit ng “Ako Ay Pilipino”.
Sa kabuuan, isang napakasaya at natatangi ang pagdiriwang na ito dahil sa nakakaantig-pusong birtual na mensahe nina Kagalang-galang Emi Calixto-Rubiano, Alkalde ng Lungsod ng Pasay at Gng Loreta B. Torrecampo,CESO IV SDS-SDO Pasay City at ang masiglang pagbati ng papuri at pasasalamat mula kay Gng. Leuvina Erni, EPS para sa Araling Panlipunan.
Sa ngalan ng mga guro ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, itinawid ni Gng. Madelyn C. Buenaobra, Guro ng Palatuntunan ang pasasalamat sa lahat ng bumuo at nagtaguyod ng pagdiriwang ito. Muli, maligayang araw ng kasarinlan!