Sa pamamatnugot ni: G. John Robert H. Blas

Matagumpay na inilunsad ang Feeding Program para sa mga magulang at mag-aaral mula sa Baitang 7 at 8 ng Pasay City West High School para sa Taong Panuruan 2024-2025 noong Setyembre 13 sa Audio-Visual Room ng paaralan na naglalayong mailahad ang layunin ng programa patungkol sa wasto at tamang nutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain sa mga napiling benepisyaryo.

Nagbigay ng inspirasyong mensahe si G. Agapito Teodoro N. Manaog, Punungguro , na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng malusog na pag-uugali tungo sa malusog na kalusugan.

Naghatid ng kaalaman si Gng. Mary Cris P. Ramos at Bb. Cecil Joy R. King, School Nurse,  hinggil sa kahalagahan ng balanseng diyeta at ang epekto nito sa pangkalahatang kalusugan at ang nararapat na nilalaman ng isang “pinggang Pinoy” na nagpapayaman sa kalusugan.

Nagpasalamat sina G. Giovanni Rex T. Sorita, Puno ng Kagawaran ng TLE at Gng. Filipina A. de Guzman, School Nurse II sa mga tumulong sa programa.

Naghandog ng libreng merienda ang paaralan sa mga dumalong mag-aaral at magulang.

Pinamahalaan ang programa sa taong ito ng mga guro sa Kagawaran ng TLE at ang guro ng palatuntunan naman ay si Bb. Thrina Ramos.