Isinulat ni Mayorico C. Apelado Jr.
Pinarangalan bilang isa sa pinakamahusay sa pakitang-turo sa Filipino si Gng. Mary Judith I. Cubio, guro sa Senior High School Department ng Pasay City West High School na may temang Project Lamyak (Bagay Na Dumarating Nang Higit na Mabuti Kaysa Inaasahan). Ang paggawad ng parangal ay nilahukan ng mga matataas na opisyal ng paaralan at SDO Pasay noong ika-9 ng Agosto 2022.
Tampok ang “Hyflex-Hybrid” na paraan ng pagtuturo na naipamalas noong Hunyo 14, 2022 sa Pangkagt STEM – Orion, Baitang 11. Ang paggamit ng mga educational digital app ang nagpaangat sa kanya upang maging katangi- tangi sa mga gurong nagpakitang-turo.
Nakalulugod ang ganitong uri ng pansangay na gawain para sa mga Guro ng Filipino sa SHS na magbubunsod upang maging mahusay sa tradisyonal at online na pagkaklase. Malayo pa ang kanyang mararating at hangad ko na magpakahusay pa siya sa larangang pagtuturo sa pinagkadalubhasaang asignatura. Mabuhay ka Gng. Cubio. Ipinagmamalaki ka ng PCWHS-SHS!