NEWS & events
๐๐๐๐๐, ๐๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ค
NI G. JOHN ROBERT BLAS
Idinaos ang programa sa pagsisimula ng National School Safety Week ngayong Oktubre 12, 2026 sa Pasay City West High School Grounds na pinamunuan ng Batang Empowered and Resilient Team (BERT) katuwang ang mga opisyal ng paaralan na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng Baitang 8, 10 at 12 na may temang “Safe School. Strong Community. Brighter Learners” alinsunod sa DepEd Order Blg. 006, s. 2026, o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).
Sinimulan ang programa sa seremonya ng pagtataas ng watawat at pag-awit ng Pasay Hymn na pinamunuan ng mga mag-aaral ng 10 – Beryl.
Pinakilala ng guro ng palatuntunan na si Gng. Remily Tambasacan ang mga kasapi at overview ng selebrasyon para sa linggong ito.
Inilahad nina G. Ignacio Tolentino III, BERT Adviser at John Ryl Satorre, BERT President ang layunin ng National School Safety Week samantalang nagbigay ng mga emergency tips sa mga mag-aaral ang kinatawan mula Philippine National Police Pasay na si Patrolman Paolo Jay San Juan.
Nagbigay naman ng inspirasyong mensahe ang mga gurong tagapag-ugnay ng Baitang 10 at 8 na sina G. Giovanni Rex Sorita at Gng. Socorro Domingo at suportang mensahe si Gng. Rubie Latayan, SPTA President.
Pinangunahan ni Alliyah Marie Panagsagan, BERT Vice President ang Panata ng Buong Komunidad para sa Mas Ligtas na Paaralan at kasunod nito, iprinoklama ang My Buddy System na isang paraan ng pagtutulungan kung saan ang mga estudyante ay magkakaroon ng kapareha o maliit na pangkat na magsisilbing kanilang kaibigan at katuwang sa paaralan.
Sa pamamagitan ng paggunita sa programang ito, muling binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga guro, magulang, estudyante, at buong komunidad sa pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at mapagkalingang paaralan at hangad ng programang ito na matiyak na ang bawat estudyante ay protektado laban sa karahasan, diskriminasyon, bullying, at anumang uri ng pang-aabuso upang malaya silang matuto, umunlad, at mangarap sa isang ligtas at maayos na kapaligiran.




