Ni: G. John Robert H. Blas

Matagumpay na naidaos ang selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2023 sa pamamagitan ng isang eksibit na isinagawa ng Kagawaran ng Filipino sa pamumuno ni Gng. Bettina Amiscaray, Puno ng Kagawaran kasama ang mga guro nito na kung saan binuksan ito noong Nobyembre 23, Huwebes at nagtagal hanggang Nobyembre 25, Sabado sa labas ng Filipino Faculty Room.

Pinangunahan ni G. Agapito Teodoro Manaog, Punungguro ng paaralan ang pagbubukas ng eksibit kasama sina Gng. Ivy Tanglao, Kawaksing Punungguro, mga puno ng kagawaran, guro, mag-aaral at miyembro ng Ang Haligi-PCWHS.

Masayang nakilahok si G. Manaog, mga guro at mag-aaral sa mga palaro sa eksibit tulad ng “Bunot Mo, Premyo Mo, Basa Mo”, “Hugot Mo, Post Mo” at “Pitas Mo, Sagot Mo”.

Taun-taon ipinagdiriwang ang Pambansang Buwan ng Pagbasa tuwing Nobyembre at pangako ng punungguro na ang magiging venue ng susunod na eksibit ay sa mas malaking lugar na.