Ni: G. John Robert H. Blas
Masayang naidaos ang selebrasyon noong Oktubre 6, 2023 ang Araw ng mga Gurong na may temang Together For Teachers: Appreciation, Admiration, Approval, Attention na ginanap sa Cuneta Astrodome na pinamunuan ng Schools Division Office (SDO) Pasay, mga kawani ng lungsod na pinangunahan ni Mayor Imelda “Emi” Calixto Rubiano, mga punungguro at opisyal ng paaralan na dinaluhan ng mga guro sa dibisyon ng Pasay.
Sinimulan ang programa sa mga preliminaryong gawain na pinangunahan ng SDO Chorale na sinundan ng pambungad na pananalita ni Dr. Severo Bajado, Chief EPS at inspirasyong mensahe ni Dr. Joel Torrecampo, CESO VI Schools Division Superintendent.
Nagbigay naman ng mensahe sina G. Wilfredo Cabral, CESO III Regional Director – DepEd NCR, G. Antonino Calixto, Congressman, G. Joey Calixto-Isidro, Councilor/Committee on Education at mga konsehal sa lungsod.
Nagpakita naman ng talento sa mga pampasiglang bilang ang Philippine National School for the Blind (PNSB) Choir, Shakeys’ Battle of the Pizza Master, School Parent Teacher Association (SPTA) Officers, mga punungguro sa elementarya at sekundarya at mga opisyal ng SDO Pasay.
Ikinatuwa ng mga guro ang mga nagbuka na booth sa entrance area kung saan nakakuha sila ng mga freebies at ang malalaking papremyo sa raffle na ibinigay ng iba’t ibang sektor ng lungsod na dinagdagan pa ng mga opisyal.
Tumatak sa isipan ng mga guro ang oras na inilaan ni Mayor Emi sa pananatiling mapanood ang mga pampasiglang bilang at magdagdag pa ng mga papremyo sa raffle.
Nagtapos ang programa sa mensahe na, “MABUHAY, Ang mga guro ng Pasay!” ani G. Librado Torres, Chief EPS, Curriculum Implementation Division (CID) Pasay.