Ni: G. John Robert H. Blas

Masayang inihayag ito ni G. Agapito Teodoro N. Manaog, punungguro ng paaralan, sa kanyang propesyunal na pulong sa mga guro ng PCWHS katulong sina Gng. Ivy A. Tanglao, Kawaksing Punungguro at Gng. Flexive O. Fontejon, Tagapangasiwang Opisyal, na naganap sa PCWHS Gymnasium, Setyembre 28, 2023; ika-11 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon.

Sinimulan ang pulong sa panalangin na pinamunuan ni Bb. Jennifer Espiritu, Guro I ng Filipino, na sinundan ng pampasiglang-diwa ni Gng. Loreta J. Gonzaga, Guro I ng Filipino.

Nagbigay naman ng pananalitang pambungad si Gng. Tanglao at sinundan ng propesyunal na pagpupulong na pinangunahan ni G. Manaog.

Inisa-isa sa pagpupulong ang mga usapin ukol sa iskedyul ng klase, enrollment, kalinisan ng paligid, paggawa ng mga pagsusulit at technical assistance mula sa mga puno ng kagawaran at Master Teacher, pagpasa ng DLL o DLP, deliberasyon bawat markahan, flag ceremony, interbensyon sa mga batang Student-at-risk of dropping out (SARDOs), selebrasyon ng Araw ng mga Guro at mga polisiya at alituntunin sa paaralan. Tinapos ang pagpupulong sa pahayag ni G. Manaog na, “If you don’t get what you like, like what you get!”