Nagkamit ng panalo ang mga piling mag-aaral ng Pasay City West High School sa MTAP-Deped Math Challenge na may temang: “Mathematics Gears Toward Digital Generation” na ginanap noong Enero 17,2020 sa PCWHS gymnasium.
Kinilala ang mga nagwagi na sina Carl Carasco, Jesimelyn Estrelle Ayat, at Dianne Bulaclac, mula sa ikapitong baitang na nakamit ang ikatlong pwesto, habang sina Kaesha Margallo, Cyrill Dasalla, at Ayessa Gogola na mula sa ikawalong baitang na nakamit ang ikaapat na pwesto, samantalang sina Armer Maglangit, Alexis Salac, at David Ongchua naman ay nagmula sa ikasiyam na baitang na nasungkit ang ikatlong pwesto, at hindi rin pahuhuli ang mga mag aaral ng ikasampung baitang na sina Sean Ventura, Dwight Ciervo at Zach Escobar na nakamit ang ikatlong pwesto.
Ayon kay Kaesha Stephanie Margallo, isang mag-aaral na lumahok, hindi siya makapaniwala na masusungkit nila ang ikaapat na pwesto sapagkat maraming paaralan ang mahirap kalabanin.