Nag-uwi ng karangalan ang mga mamahayag ng Pasay City West High School sa nakaraang Regional Schools Press Conference noong ika-8 hanggang ika-19 ng Oktubre na ginanap sa Aurora A. Quezon Elementary School, Malate, Manila.
Kinikilala ang mga nagwagi na sina Jestoni Rubantes na nakuha ang ikaapat na puwesto sa paglalarawang tudling samantalang nauwi ni Samantha Nollora ang ikalimang puwesto sa Collaborative and Desktop Publishing, si Karen Caubalejo ay nagkamit ng ikalimang puwesto bilang mahusay na tagapagbalita, at Paola Marie Signo nagkamit ng ikaapat na puwesto sa Over-all TV production at ikapito sa pinakamahusay na tagapag-ulat. Ang mga nagkamit ay sinanay ni G. John Robert Blas, tagapayo ng Haligi at Gng. Bettina D. Amiscaray, Puno ng Kagarawan ng Filipino.
Taon-taon isinasagawa ang nasabing patimpalak upang paghandaan ang National Schools Press Conference (NSPC) na paglalaban ng mga nagwagi sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas