Nanungkulan bilang pangulo ng Book Lovers Club ng buong dibisyon ng Pasay ang mag-aaral ng Pasay City West High School matapos magwagi sa kakatapos na eleksyon kasama ang Mayor ng nasabing lungsod na si Emi Calixto Rubiano noong Ika-9 ng Disyembre ng taong 2019 sa Pasay City Hall.
Kinilala ang mag-aaral na si Darlyn Samantha C. Chinchilla (HUMSS 12-1), inihayag niya na, “Actually, ang main point po ng aming club is to promote reading to students at ma-engganyo sila magbasa ang madami silang matutunan,” “beforehand, naiisip ko yung bookdrive para po ma-attract po sa pag dodonate ang ating mga kamag-aral ng book in exchange for movie ticket na gaganapin din po yung showing dito sa school,” dagdag pa niya.
Itinalaga naman bilang tagapayo si Bb. Roselyn M. Dela Peña ng nasabing organisasyon