Isinulat ni: Remily Tambasacan
Inayos ni: John Robert H. Blas

Makulay na idinaos ang pampinid na programa at pagpaparangal sa mga nagwagi sa Pasay City West High School Grounds noong Setyembre 3, 2024 para sa Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”, sa pangunguna ng Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN-PCWHS) katuwang ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino na pinamunuan nina Gng. Vivian Demavivas, Puno ng Kagawaran at Bb. Mary Trisha Abedejos, Grade Level Coordinator ng Baitang 11 sa pamamatnubay nina G. Agapito Teodoro Manaog, Punungguro, Gng. Ena Tamayo at Gng. Rosa Alferez, mga Kawaksing Punungguro.
Nagpamalas ng talento ang mga Westians sa programang kinabibilangan ng mga nagwaging mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak na sinanay ng mga guro sa Filipino gayundin ang mga opisyal ng KADIPAN-PCWHS, mga piling mag-aaral ng 9 – Lavoisier at mga batikang guro mula sa Kagawaran ng MAPEH na sina G. Canniel Ordonez at Bb. Christine Medico.
Isinagawa sa buong buwan ng Agosto ang iba’t ibang patimpalak gaya ng Tagisan ng Talino, Paglikha ng Poster, Sulat-Bigkas, Spoken Poetry, Madulang Sabayang Pagbasa, Masining na Pagkukuwento, Dagliang Talumpati, Harana ng Lahi at Sayaw na Luma, Tugtuging Bago (SaluTugba) na nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang husay, malikhaing kakayahan, at pagmamahal sa sariling wika.
Pinarangalan ang mga sumusunod na nagwagi sa mga patimpalak:
Tagisan ng Talino
Baitang 7
Unang Puwesto-Myrtle Gail Mackay (Marigold)
Ikalawang Puwesto -Alfon Gilbert Prael (Bluebell)
Ikatlong Puwesto- Euhan Patrick Cruz (Edison)
Baitang 8
Unang Puwesto -Kathleen Yunice Diola (Aristotle)
Ikalawang Puwesto -Sophia Angela Blas (Agoho)
Ikatlong Puwesto – Marc Laurence Residuo (Mendel)
Baitang 9
Unang Puwesto -Shania Kate Villanueva (Agoncillo)
Ikalawang Puwesto – Nathalie Danielle Francisco (Lavoisier)
Ikatlong Puwesto – John Brent Abo (Lavoisier)
Baitang 10
Unang Puwesto – Juakin Barredo (Einstein)
Ikalawang Puwesto – Caleb Job Pinlac (Amethyst)
Ikatlong Puwesto – Arjay Montero (Azurite)
Paglikha ng Poster (Junior High School)
Unang Puwesto – Dharby Denisse B. Lupaz (10-Einstein)
Ikalawang Puwesto – Julius B. Campos (8- Kakawate)
Ikatlong Puwesto – Glen Gabrielle B. Caagbay (10-Azurite)
- Andrea Atasha P. Paclibar (10-Aquamarine)
Paglikha ng Poster (Senior High School)
Unang Puwesto – Shane C. Milan (HE 11A)
Ikalawang Puwesto – Princess Zyrill C. Narciso (HUMSS 11C)
Ikatlong Puwesto – Aip-hryl S. Gamlot (HUMSS 11E)
- Nell Michael P. Lagyador (ICT 111B)
Madulang Sabayang Pagbasa
Unang Puwesto – 10 – Einstein
Ikalawang Puwesto – 10- Amber
Ikatlong Puwesto – 10-Azurite
Masining na Pagkukuwento
Unang Puwesto – Dhane Ericka A. Decallos
Ikalawang Puwesto – John Gabriel Umali
Ikatlong Puwesto – Precious Elijah C. Dizon
Sulat-Bigkas
Unang Puwesto – Loraine Anne B. Demapitan
Ikalawang Puwesto -Ma. Ellaijohn T. Boral
Ikatlong Puwesto – Nathalie Danielle P. Francisco
Spoken Word Poetry
Unang Puwesto – Marisse Jean Soreňo
Ikalawang Puwesto – Marielle E. Dela Cruz
Ikatlong Puwesto – Yumie Beatriz M. Dineros
Dagliang Talumpati
Unang Puwesto – Raslie S. Lucion (HUMSS 12)
Ikalawang Puwesto – John Patrick M. Ladrillo (ICT 12)
Ikatlong Puwesto – Jean Marchienette M. Viray (STEM 12)
Harana ng Lahi
Unang Puwesto – John Patrick M. Garcia & Bryce Ghian P. Facun- (HE 11)
Ikalawang Puwesto – Dan Will M. Tajudar & Adrian Justin H. Oroyo (ICT 12)
Ikatlong Puwesto – John Paul A. Casido & Ayesha Sophia D. Cacapit (STEM 12)
Sayaw na Luma, Tugtuging Bago (SaLuTugBa)
Unang Puwesto – STEM 11-A
Ikalawang Puwesto – STEM 11-C
Ikatlong Puwesto – HUMSS 11-A
“Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan, ayon ito kay Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa. Kaya gamitin sa wastong paraan ang wikang Filipino upang tayo ay magkaisa”, ani Gng. Demavivas.
