Ginawaran ng parangal ang mga PCWHS Cadet Girl Scouts na sina Alexa Mae Panagsagan at Marielle Pedrero matapos makamit ang Chief Girl Scout Medal Scheme na sinasabing โ€œ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ข ๐˜จ๐˜ช๐˜ณ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ค๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆโ€ na naganap nitong Nobyembre 19, 2024 sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Sinuportahan ang mga pinarangalan na Cadet Scouts nina G. Agapito Teodoro Manaog, Punungguro at Troop Leaders na sina Gng. Merylex Deseo at Adoracion Bartolome.

Umani ng papuri ang mga proyektong sinimulan ng mga Girl Scouts at dalawa sa mga proyekto dito ay mula sa ating paaralan na na tinawag na “S.M.I.LE: Balik-Ganda para sa Ngiting Maganda ng Madla” ni Cdt GS Panagsagan at ang proyekto ni Cdt GS Pedrero na tinawag na “Healthy Habits, Happy Kids” para sa mga residente ng Barangay 113 sa Pasay.

Nagbigay naman ng mensahe si Chief Girl Scout First Lady Louise Araneta – Marcos sa 919 na mga pinangaralang Girl Scouts at nagpasalamat sa proyektong binuo nila para sa komunidad.